CSWDO- Naga muling makikipag-ugnayan sa mga Barangay Officials hinggil sa mga namamalimos na bayolente na

NAGA CITY – Kinumpirma ni Annabelle Vargas head ng City Social Welfare and Development Office na may mga bayolenteng namamalimos pa rin sa Naga City na nagagalit at nandudura pa kung hindi nabibigyan ng pera.

Pera ang hinihingi ng mga ito at ayaw ng pagkain o ano pang gamit.

Napag-alaman ng Brigada News FM Naga sa panayam kay Vargas karamihan sa nakakaranas ng ganitong sitwasyon ay iyong mga kumakain sa mga restaurants at sa iba pang mga commercial establishments.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sinabi pa niya na agad namang nare-report ito sa kanilang opisina subalit bago pa man sila makarating sa lugar ay wala na ang mga namamalimos. Kaugnay nito, muli silang makikipag-ugnayan sa mga barangay officials para hingin ang tulong.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Isa sa paboritong puntahan ng mga ito ay ang Magsaysay avenue sa Barangay Balatas na maraming restaurants.

Una na ring binanggit ni Punong Barangay Pedro Allan San Juan na nagro-ronda rin sila sa district area at nasisita nila ang mga pulubing ito,na tumatakas naman kung sila ay nakikita.