CSC pinaalalahanan ang mga tanggapan ng gobyerno sa pagdaraos ng mga Christmas party

CAMARINES NORTE- Pinaalalahanan ng Civil Service Commission (CSC)ang mga opisina ng gobyerno hinggil sa pagdaraos ng mga Christmas party.

Ito ay sa gitna na rin ng kaliwa’t kanan ngayong Christmas o year- end party na ginagawa bilang bahagi ng taunang tradisyon.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Camarines Norte CSC Acting Director II Atty. Alicia Salinas na wala naman itong problema basta siguruhing hindi maaantala ang kanilang serbisyo kahit mayroong mga ganitong aktibidad.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Aniya, allowed naman ang pagsasagawa nito kahit office hours dahil madalas ay hindi lang naman party ang ginagawa.

May mga government agency umano sinasabayan ang Christmas party ng year- end assessment, planning at iba pang gawain na bahagi ng opisyal na trabaho.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Gayunman ipinaalala ni Salinas na dapat ay hindi mababalam ang mga serbisyo at may natitira pa ring tao lalo na ang mga nasa frontline service.

Una na ring nagpaalala si CSC Chairperson Karlo Nograles na bagamat hindi naman ipinagbabawal ang pasasagawa ng office parties lalo na at taunang tradisyon na ito pero dapat ay serbisyo sa tao ang unahin.