Mahigit 60 couple ikinasal sa bayan ng Basud sa kasagsagan ng malakas na pag ulan

CAMARINES NORTE- Hindi naging hadlang sa animnapu’t anim na magsing- irog ang malakas na buhos ng ulan para magpakasal sa ginanap na kasalang bayan sa Basud, Camarines Norte noong Lunes, Disyembre 19.

Naganap ang kasalan sa kasagsagan ng malakas na ulan dahil sa shear line sa Basud New Sports Complex.

Ang Kasalang Bayan ay isang regular na programa ng LGU Basud sa pamamagitan ng Local Civil Registrar’s Office para sa mga nagsasamang hindi pa kasal.

Read More:  Mother killed in alleged stabbing by son in Cebu

Ito ay upang maging legal ang kanilang pagsasama sa mata ng batas.

Ang civil mass wedding ay pinagunahan ni Mayor Adrian Davoco na dinaluhan din ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan.

Para malubos ang kasiyahan ay mayroon ding kaunting handog ang LGU sa mga ikinasal.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Nagpaabot naman ng pasasalmat ang Alkalde sa lahat ng nakiisa sa aktibidad gayundin sa mga naging punong abala para matagumpay itong maisagawa.

Isa itong taunang programa ng LGU na pinaglalaanan ng pondo para makasal ang mga magsing irog na hindi pa legal na nagsasama.