NAGA CITY – Ilang magsasaka sa Naga City, ang naapektuhan sa sunod-sunod na naranasang pag-uulan dala ng Amihan at Low Pressure Area.
Sa naging pahayag sa Brigada News FM Naga ni San Felipe Punong Barangay Alfonso Rodriguez, sinabi nitong kabilang ang ilan sa mga magsasaka sa kanilang barangay ang naapektuhan lalo na ang mga bagong tanim pa lamang na palay.
Ilan nga sa mga ito ay humingi ng tulong sa kanila ngunit ang naging problema ay hindi nakapag-avail ng insurance o hindi insured ang kanilang mga tanim na palay at mga root crops sa Department of Agriculture (DA).
Kaya naman binigyang diin nito ang kahalagahan na dapat may insurance ang mga pananim dahil sa panahon na masalanta, maibabalik sa kanila ng Gobyerno o ng DA ang kanilang mga nagastos, maiiwasan pa ang kanilang pag-uutang, lalo na ngayong napakamahal ng farm inputs, mababa pa ang produksyon.