Nag pulong na ang Pampanga Provincial Government kasama ang Department of Agriculture at Philippine Center Postharvest Development and mechanization o PHILMECH patungkol sa itatayong food security complex sa bayan ng Lubao.
Kasama sa napag usapan ang planong pagbuo ng isang technical working group na tututok upang maipatayo ang nasabing pasilidad sa limang ektaryang lupain sa Sta. Catalina.
Nangako ang DA na magbibigay ng 50 milyong pesos na pondo para sa pagpapatayo ng pasilidad, habang 72 million naman ang share na ibibigay ng PhilMech at 200 million pesos naman sa Pampanga Provincial Gvernment,
Samantala, layon ng proyekto na itaguyod ang food security, climate resiliency, at rice-based enterprise sa probinsiya.
