Crisis stage ng COVID-19 pandemic, nalampasan na ng Pilipinas – Duque

Naniniwala si Health Secretary Francisco Duque III na nalampasan na ng bansa ang crisis stage ng COVID-19 pandemic.

Sa sa isang panayam binanggit ni Duque ang pagbuti ng bilang sa buong bansa pagdating sa 2-week growth rate, average daily attack rate (ADAR) at health care utilization.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Sa ngayon ayon sa kalihim ay nasa low risk na ang bansa sa COVID-19 transmission.

Sinabi ni Duque na batay sa datus ng DOH ang dalawang linggong growth rate ng bansa ay nasa -81% habang ang ADAR ay nasa 7 kaso bawat 100,000 populasyon, na aniya ay itinuturing na “low-risk.”

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Maliban dito bumaba na rin umano ang health systems capacity na nasa 30% na lamang sa ngayon.