PNP paiigtingin ang seguridad sa mga tourist destination

Ipinag-utos ni Philippine National Police chief Gen. Dionardo Carlos sa lahat ng yunit ng pulisya paigtingin ang pagbabantay sa mga tourist destination sa bansa ngayong unti-unting nagluluwag ng COVID-19 restriction ang maraming lugar.

Sinabi ni Carlos na dapat maghanda ng mga hakbang laban sa krimen upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga lokal at dayuhang turista.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Tiniyak naman ng PNP chief ang patuloy na mahigpit na magpapatupad ng mga naaangkop na pamantayan at mga protocol sa kaligtasan alinsunod sa mga alituntunin ng IATF (Inter-Agency Task Force at mga lokal na ordinansa.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Pinayuhan din ng PNP chief ang publiko, lalo na ang mga nagbabalak na magbakasyon ng summer sa mga tourist destinations na mahigpit na sundin ang mga safety protocols sa lahat ng oras.