Crime rate sa Camarines Sur, nabawasan – CSPPO

NAGA CITY – Nabawasan ang mga naitatalang krimen sa probinsya ng Camarines Sur simula Enero hanggang ngayong buwan ng Agosto, 2023, kumpara noong taong 2022 na mataas lalo na sa mga vehicular accident.

Ito ang napag-alaman kay PMAJ Maria Victoria Abalaing, Information Officer ng PNP Camarines Sur.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Aniya, bagamat may 5 kaso sa physical injury violation revised penal code article 2662 at 6 sa violation revised penal code article 265, 8 sa carnapping, 11 sa robbery at 15 sa theft, sumasalamin pa ring may pagbaba sa krimen maging ang mga stabbing, at  hacking incident.

Ang hamon para kanila ay mga aksidente sa kalsada na kadalasang dahilan ang mabilis na pagpapatakbo, road condition, maging weather condition.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Sa pamamagitan kasi ng matibay na implementasyon ng mga programa lalo na ang KASIMBAYANAN, ang koordinasyon sa mga barangay at pagsasagawa ng mg trainings at seminar nababawasan ang mga naitatalang krimen sa probinsya.