Sinuspende ng Twitter ang account ni Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison, kasama ang iba pang accounts na may kaugnayan sa communist movement.
Sa isang pahayag, sinabi ni CPP spokesperson Marco Valbuena, na maliban kay Sison, suspendido ang Twitter accounts ng Philippine Revolution Web Central, na official publication ng party na Ang Bayan, at Sine Proletaryo.
Ayon kay Valbuena, ang mga accounts ay sinuspende ng microblogging website nang walang babala o abiso.
Ang suspension ng Twitter ay matapos na isara ng Facebook at Google ang social media at email accounts ng CPP noong Abril.
Giit ni Valbuena na ang suspensions ay bahagi ng heightened efforts para patahimikin ang anti-imperialist voices sa social media sa pretext ng sham US ‘war against terror’.”
Dagdag nito, na ang naturang hakbang ay para magkaroon ang US ng absolute control hinggil sa social media narrative.
