Muling nanawagan ang PISTON at Liga ng Transportasyon at Operators ng Pilipinas (LTOP) sa incoming administration na i-review ang Republic Act 9479 o ang Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998, para makatulong na matugunan ang walang tigil na taas presyo ng langis.
Ayon kay PISTON President Mody Floranda, may isang probisyon kasi sa batas na pinatungan ng iba’t ibang buwis sa presyo ng petrolyo.
Dagdag nito, ang patuloy na pagtaas sa presyo ng fuel products ay nagpapakita kung paanu humahanap ng paraan ang industry players para ma-exploit ang kasalukuyang batas, para sa kanilang benepisyo.
Sa gitna nito, kinuwestiyon ni Floranda kung bakit hindi parin nagpapasa ng amendments ang gobyerno para sa RA 9479, kung saan ang naturang development naman ay makakatulong sa Department of Energy (DOE) na magkaroon ng mas maraming kapangyarihan sa pag-regulate sa oil prices.
Una nito, sinabi ng DOE na mamomonitor at malalathala lang nila ang market prices sa ilalim ng naturang batas, na mag-iiwan ng adjustment sa market forces.
