SoH Duque, umaasang bumaba pa ang daily cases ng COVID-19 sa bansa

Umaasa ang Department of Health na magtutuluy-tuloy pa ang pagbaba ng mga bilang ng mga naitatalang COVID-19 cases sa bansa kada araw.

Sa isang panayam, sinabi ni outgoing Health Secretary Francisco Duque na nag-plateau na ang mga kaso sa bansa.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Sana aniya ay bumaba pa ito sa average na 100 cases kada araw.

Sa ngayon daw kasi, 200 cases na lamang ang naitatala kada araw sa kabila ng mga pagta-tantiya ng ilang eksperto na muling magkaroon ng surge dahil sa mga kabi-kabilang super spreader events kagaya na lamang ng mga campaign rallies noong eleksyon.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Sa kasalukuyan, bagamat mayroong na-detect na mga bagong kaso ng mas nakahahawang BA.2.12.1 at dalawang cases ng BA.5 Omicron subvariants – nananatili pa rin aniyang mababa ang healthcare utilization rate sa bansa at nasa low risk classification pa rin tayo.
#