COVID UPDATE: 183 new cases, 63 recoveries, 4 deaths sa Bicol

BICOL—Nakapagtala ng panibagong 183 na kaso ng COVID-19 ang Bicol region kaya pumapalo na sa 27,717 ang kabuuang kaso ng sakit sa rehiyon.

Nagtala ng pinakamaraming kaso ang lalawigan ng Camarines Sur na umaabot sa 59 kung saan anim nito ay mula sa bayan ng Milaor, lima sa bayan ng Pili, tig-aapat ang Bato, Nabua, Sipocot at Naga City, tigtatlo ang Bula at Cabusao, tigdadalawa ang Buhi, Calabanga, Canaman, Goa, Pamplona, Pasacao at Iriga City at tig-iisa naman ang Baao, Balatan, Bombon, Camaligan, Gainza, Garchitorena, Libmanan, Lupi, Ocampo, Ragay, San Fernando at Tigaon.

Ang Sorsogon ay may 53 panibagong kaso kung saan 25 nito ay mula sa Sorsogon City, lima sa bayan ng Juban, apat sa Gubat, tigtatatlo ang Castilla, Irosin at Pilar, tigdadalawa ang Bulan, Bulusan, Casiguran at Donsol at tig-isa ang Matnog at Magallanes.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

36 ang bagong kaso sa Camarines Norte kung saan 12 nito ay mula sa bayan ng Daet, anim sa SAan Lorenzon Ruiz, lima sa Labo, tig apat ang Jose Panganiban at Talisay, tatlo sa Basud at dalawa sa bayan ng Vinzons.

Ang Albay ay may 30 panibagong kaso kung saan tig-anim ang Libon at Malilipot, lima sa bayan ng Oas, apat sa lungsod ng Legazpi, tatlo sa lungsod ng Tabaco, dalawa sa Bacacay at tig-iisa ang Camalig, Daraga, Malinao at Polangui.

Kapwa bigong makapagpadala ng specimen ang mga islang lalawigan ng Catanduanes at Masbate habang mayroon namang limang nagpositibo na mula sa labas ng Bicol.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Samantala pumalo na sa 20,971 ang total recoveries matapos na makapagtala ng karagdagang 63 na mga gumaling kung saan 24 nito ay mula sa Naga City, 20 sa Catanduanes at 19 sa Sorsogon.

Pumalo na rin sa 977 ang death toll matapos na madagdagan ng panibagong apat na nasawi kung saan tatlo nito ang mula sa Sorsogon at isa naman ang mula sa Camarines Sur.

Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### || slm