COVID active cases, bumaba sa 40K

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 312 na mga bagong kaso ng COVID-19 infections, dahilan para tumaas ang nationwide tally sa 3,677,924.

Batay sa datos ng DOH, may kabuoan pang 40,412 na mga active cases o kasalukuyang may sakit.

Kaugnay nito, nanatili parin ang National Capital Region sa mga rehiyon na may mataas na kaso sa nakalipas na dalawang linggo sa 1,739, sinundan ng Region 4A sa 683 at Region 6 na may 542 infections.

Sinabi naman ng ahensya na umakyat ang total recoveries sa 3,578,387, habang ang death toll ay tumaas pa sa 59,125.

Lumalabas rin sa records na 24.64% ng intensive care unit (ICU) beds para sa COVID-19 patients nationwide ay occupied, habang 22.04% ng isolation beds sa bansa ang utilized, at 13.66% ng ward beds ay kasalukuyang okupado. //MHEL PACIA-TRINIDAD