Ibinahagi ng Department of Health na bumaba ang positivity rate ng COVID-19 sa bansa sa 2.1 percent noong March 21-27 mula sa 2.7 percent.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang latest positivity rate ay nagpapakita ng mayroon lang 3,145 katao ang nagpositibo sa SARS-CoV-2 sa naturangs period.

Mababatid na inirekomenda ng World Health Organization ang coronavirus positivity rate na 5 percent para masabing sapat ang testing at kontrolado ang virus transmission.
Sinabi ni Vergeire, na may kabuoang 21,725 na mga samples ang tenest bawat araw sa nakalipas na mga linggo (March 21-27) kung saan ito umano ay 0.5 percent na mababa kumpara sa nauna pang linggo bago nito. //MHEL PACIA-TRINIDAD