Suportado ng government adviser ang panukala ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na maglagay ng expiry date sa validity ng vaccination cards at palitan ito ng booster cards, para mahikayat ang mas marami pang tao na kumuha ng kanilang booster shots sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Giit ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa, na bagama’t ang bansa ay mayroong “good vaccination record” sa kasalukuyan, tanging 11.8 million indibidwal lang naman ang nakatanggap ng kanilang boosters.

Kaugnay nito, kailangan rin magtakda ng deadline para sa pagbibigay ng booster para maypanahon umano silang i-check kung ang booster shot ng mga tao ay updated.
Maliban sa mapapaigting nito ang vaccination rate sa bansa, sinabi ni Herbosa na makakatulong rin ito sa gobyerno na maiturok ang mga bakuna na malapit nang magpaso. //MHEL PACIA-TRINIDAD