Bicol region pampito na sa vaccination rate vs COVID-19 sa bansa; DOH, pinuri ang mga LGU

BICOL—Pinuri at pinasalamatan ni DOH Bicol regional Director Dr. Ernie Vera ang lahat ng mga Local Government Units (LGU) sa Bicol sa kanilang naging performance sa katatapos lang na Bayanihan Bakunahan National Vaccination Days.

Sa mensahe ng opisyal inihayag nito na dahil sa sigasig ng mga LGU, malaki ang iniangat sa ranking ng rehiyon pagdating sa mga bilang ng nabakunahan sa buong bansa.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Anya, mula sa pangungulelat o second to the last dati, ngayon ay nasa ikapito na ang Bicol sa ranking.

Kaugnay nito ay muling hiniling ni Vera ang kooperasyon ng mga Bicolano sa ikalwang round ng National Vaccination Days na gaganapin sa Disyembre 15 hanggang 17.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Kumpiyansa ang opisyal na kaya pa ng rehiyon na malagpasan ang naging performance nito sa nanunang Bayanihan Bakunahan.

Mababatid na nagging mainit ang pagsalubong ng mga Bicolano sa tatlong araw na aktibidad kung saan halos madaling araw pa ay marami na ang nakapila para magpabakuna.### | slm