Alaska aalis na sa PBA matapos ang mahigit 30-taon sa liga

Inanunsyo ng Alaska Aces na aalis na ito sa Philippine Basketball Association (PBA) matapos ang mahigit tatlong dekada paglalaro sa liga.

Ayon kay team governor Richard Bachmann ang 2021-22 PBA Governors’ Cup, ang magiging huling conference na sasalihan ng koponan.

Magugunitang ang Aces ang pinaka dominanteng franchise ng liga, kung saan nanalo ito 14 titulo kabilang ang Grand Slam noong 1996, 10 taon lamang matapos itong sumali sa PBA noong 1986.

“The Aces franchise will always be very special to me. I had the good fortune of starting this franchise at the age of 24 and learn so much about team dynamics and building championship teams from the players and coaching staff,” bahagi ng pahayag ni team owner Fred Uytengsu, Alaska Milk Corporation Chairman

Sinabi ng kumpanya na mas pagtutuonan nilang ngayon pansin ang pagbibigay ng mga economical solutions sa mga pangangailangang nutrisyon ng bansa.