COVID- 19 vaccination sa pediatric population sinimulan na ng LGU Mercedes

CAMARINES NORTE- Sinimulan na ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Mercedes, Camarines Norte ang COVID- 19 vaccination sa kanilang pediatric population noong nakaraang Linggo.

Nagkaroon ng Special Lane sa pediatric with comorbidity sa ibang pediatric population sa  registration, vital signs taking, health screening, health education station, vaccination area hanggang s apost monitoring area.

May mga naka deploy na doctor sa vaccination site na siyang masusing nag screen ng pediatric vaccines.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Mayroon ding kinatawan mula sa Department of Health (DOH) para mag obserba sa unang vaccination rollout para sa mga kabataan.

Ngayong araw naman ay aarangkada na rin ang  COVID- 19 vaccination sa Outpatient Department ng CNPH para naman sa mga batang edad 14- 17 taong gulang

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Nasa limampung mga kabataan ang unang batch nang mga babakunahan ngayong araw na magsisimula alas 8 ng umaga.

Samantala, simula bukas, November 16 ay papayagan na ring lumabas ng kanilang tahanan ang mga bata at menor de edad pero para lang maka access ng essential services basta’t may kasamang magulang o guardian.