BICOL—Mababa na ang mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa Bicol region habang tumataas naman ang mga nakakarekober.
Sa ngayon ay nasa 46,192 na ang cumulative cases pero 6,617 (14.32%) na lamang nito ang aktibong kaso.
143 ang bagong kasong naita nitong weekend kung saan 67 noong Sabado at 76 naman kahapon, araw ng Linggo.
Sa pinakahuling tala, 33 ang mga bagong kasong nadagdag sa Catanduanes kung saan 12 ang nadagdag sa Virac, pito sa Caramoran, lima sa Pandan, tigtatlo ang Gigmoto at San Andres, dalawa sa Bagamanoc at isa sa Bato.
20 ang bagong kaso sa Albay kung saan walo ang mula sa Legazpi City, pito sa Bacacay, tatlo sa Tabaco City at tig-isa ang Guinobatan at Polangui.
14 ang bagong kaso sa Camarines Sur kung saan anim ang mula sa Naga City, apat sa Pamplona at tig-iisa ang Gainza, Goa, Nabua at Tinambac.
7 ang bagong kaso sa Sorsogon kung saan apat ang mula sa Bulan at tig-iisa ang Casiguran, Gubat at Sta. Magdalena.
Tig-isang kaso naman ang Camarines Norte na mula sa bayan ng Labo at lalawigan ng Masbate na mula naman sa Masbate City.
Samantala, mataas na mga recoveries ang naitala nitong weekend na umabot sa 333 kung saan 145 ang naitala noong Sabado habang 188 naman kahapon. 50 sa mga bagong gumaling ay mula sa Masbate, 46 sa Camarines Sur, 44 sa Albay, 28 sa Catanduanes, 12 sa Sorsogon at walo sa Camarines Norte.
Sa kabuuan ay pumapalo na sa 37,957 (82.17%) ang COVID-19 recoveries sa Bicol region.
Sa kabila nito ay umabot na sa 1,618 (3.50%) ang death toll matapos madagdagan ng 17 mga bagong nasawi nitong weekend kung saan 12 ang naitala noong Sabado at lima naman kahapon. Ang limang ito ay pawing mula sa lalawigan ng Albay.
Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA SOlusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Slaud Bikolnon.### | slm