Bicol region nagtala ng 353 na bagong kaso ng COVID-19

BICOL—Nagtala ng 353 na bagong kaso ng COVID-19 ang Bicol region kung kaya pumalo na sa 39, 587 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng sakit sa rehiyon.

109 sa mga bagong kaso ay mula sa Camarines Sur kung saan 28 nito ay mula sa Naga City, siyam sa Goa at Pili, anim sa Calabanga at Milaor, tiglima ang Bato at Tigaon, apat sa Tinambac, tigtatlo ang Minalabac at Sagñay, tigdadalawa an gang Baao, Lagonoy, Libmanan, Nabua, Pasacaro at Ragay at tig-iisa ang Balatan, Bombon, Cabusao, Canaman, Caramoan, Iriga City, Magarao, Ocampo at Sipocot.

Ang Albay ay nagtala ng 85 na mga bagong kaso kung saan 21 nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, tig 12 ang Ligao at Polangui, tigpito ang Daraga at Guinobatan, anim sa Tabaco City, lima sa Tiwi, tigtatlo ang Bacacay at Sto. Domingo, tigdadalawa ang Camalig, Malilipot at Malinao at tig-iisa naman ang Manito, Libon at Oas.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ang Sorsogon ay may 54 na mga bagong kaso kung saan 19 nito ay mula sa Sorsogon City, walo sa Irosin, pito sa Bulan, apat sa Pilar, tatlo sa Gubat, tigdadalawa ang Bulusan, Casiguran, Castilla at Prieto Diaz at tig-iisa ang Dondol, Juban, Magallanes, Matnog at Sta. Magdalena.

45 ang bagong kaso sa Camarines Norte kung saan tigwalo nito ang Daet at Jose Panganiban, pito sa San Vicente, anim sa Talisay, apat sa Paracale, tigtatlo ang Basud at Sta Elena, tigdalawa ang Labo at San Lorenzo Ruiz at tig-isa ang Mercedes at Vinzons.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

33 ang bagong kaso sa Catandunaes kung saan 14 nito ay mula sa Virac, tiglima ang San Andres at Viga, apat sa San Miguel, tatlo sa Bagamanoc at tig-isa ang Bato at Caramoran.

Ang Masbate ay may 26 na mga bagong kaso kung saan pito nito ay mula sa Masbate City, anim sa Aroroy, lima sa Cataingan, tatlo sa Mobo, dalawa sa Mandaon at tig-iisa ang Balud, Batuan at Milagros habang may isa namang nagpositibo na mula sa labas ng Bicol.

Samantala, wala pang pinal na ulat ang Department of Health (DOH) Bicol hinggil sa mga kaso ng recoveries at pagkasawi at ilalabas na lamang mamaya oras na maisapinal na.### || slm