COVID- 19 vaccination sa bayan ng Mercedes aarangkada muli ngayong araw

CAMARINES NORTE- Aarangkada muli sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte ngayong araw ang pagbabakuna.

Ang lahat ng nagnanais magpabakuna na may edad 18 anyos pataas at para sa mga hindi pa nabibigyan ng second dose o pangalawang turok na lampas na sa nakatalang schedule ng vaccination card ay inaanyayahang magpbakuna.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Ang pagbabakuna ay gagawin ngayong araw, October, 25 Lunes at bukas, October 26 sa Municipal Evacuation Center sa naturang bayan.

Batay sa datos ng Municipal Health Office nasa mahigit sampung libo na ang nababakunahan sa naturang bayan.

Nasa 5, 591 ang nakakatanggap nn ng unang dose habang nasa 4, 839 ang nakatanggap na ng ikalawang dose.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Hinimok ng MHO ang lahat na patuloy na suportahan ang bakunahanan kontra COVID- 19.