COVID-19 vaccination roll-out sa Isabela, nasa 12%

Nasa 12 na porsyento na mula sa target na populasyon na 1.5 milyon na indibidwal sa lalawigan ng Isabela na target na mabakunahan kontra COVID-19.

Batay sa inilabas na datos ng Isabela Provincial Information Office, 16.32% o katumbas ng 254,376 na indibidwal ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna habang 187, 387 na ang fully vaccinated.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Mula sa naturang datos, 99.8% na ang nabakunahan sa A1 priority group o frontliners.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Nasa 70.6% naman sa priority group A2 o mga senior citizen, 77.5% sa group A3 (Persons with comorbidities), 69.1% sa priority group A4 (economic frontliners) habang 1.3% na ang nabakunahan sa A5 category.