301 indibidwal sa Cagayan, inilikas dahil sa pagbaha dulot ng bagyong Maring

Daan-daang pamilya na ang inilikas sa mga evacuation center sa iba’t-ibang munisipalidad sa lalawigan ng Cagayan matapos bahain bunsod ng mga pag-uulan dulot ng bagyong Maring.

Sa ulat ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, kaninang alas-11 ng umaga ay umabot na sa 92 na pamilya na binubo ng 301 na indibidwal ang inilikas sa mga evacuation center.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Kabilang sa mga apektado ng pagbaha ang mga bayan ng Baggao, Aparri, Lasam, Sta. Tereista at Ballesteros habang nakapagtala rin ng mga pagbaha sa bayan ng Peñablanca.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Hindi na rin madaanan ang ilang overflow bridges at barangay road sa lalawigan matapos umapaw ang tubig sa ilog.

Ayon pa sa PDRRMO, nakahanda na ang PSWDO para sa mga ipapamahaging food packs sa mga apektadong residente.