COVID- 19 vaccination para sa mga batang edad 5- 11 taong gulang hindi pa nasisimulan sa Camarines Norte dahil wala pang dumarating na bakuna

CAMARINES NORTE- “As soon as possible” !

Ito ang tugon ni Provincial Health Officer II Dr. Arnel Francisco nang matanong kung kailan sisimulan ang pagbabakuna kontra COVID- 19 sa mga batang edad 5- 11 taong gulang sa lalawigan ng Camarines Norte.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet inihayag ni Francisco na ang problema nila ngayon ay wala pang dumarating na suplay ng bakuna para sa naturang age group.

Wala rin umano itong impormasyon mula sa Department of Health kung kalian darating ang bakuna sa probinsiya.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ani Francisco nagawa na nila ang mga kinakailangang paghahanda para dito at alam naman aniya ito ng Department of Health.

Natapos na rin ang mga seminar at orientation sa CNPH, pribadong ospital at mga pediatrician.

Mayroon na rin umanong coordination ang PHO sa 17 Rural Health Units sa probinsiya at bakuna na lang talaga ang hinihintay para makapagsimula na ng vaccination.

“The problem is we don’t have the supply para ma- inject natin itong 5- 11 yrs old na age group ano, so ang problema dito yung supply kung kelan nila ide- deliver at magkaroon tayo dito, that’s the start of the vaccination for that particular age,” ani Francisco

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Sa pagbabakuna sa mga bata sa naturang age group ay kailangan umano ang presensiya ng magulang at kaukulang paghahanda ng pasilidad kung saan gagawin ang pagbabakuna.

Ang ibabakuna sa mga batang edad 5- 11 ay Pfizer dahil ito pa lamang ang nabibigyan ng Emergency Use Authorization ng Food and Drugs Administration para iturok sa nabanggit na age group.

Bagamat parehong brand ay magkaiba ang timpla ng bakuna para sa batang edad 5- 11 at sa edad 12 gulang pataas.