PHO nanawagan sa mga eskwelahan na mahigpit na ipatupad ang minimum health standards sa implementasyon ng limited face to face classes

CAMARINES NORTE- Nanawagan ang Provincial Health Office sa mga eskwelahan na mahigpit na ipatupad ang minimum health standards sa implementasyon ng face to face classes na magsisimula ngayong araw.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco batid naman ng lahat na bubuksan din talaga muli ang face to face classes sa kabila ng problemang kinakaharap dulot ng pandemya.

Read More:  Drunk brother-in-law kills mother, injures teen over ₱500 debt in Negros Oriental

Kaya naman paalala ng opisyal na sundin ang health protocols para sa proteksyon ng mga mag- aaral at guro.

Mag- iikot umano si Francisco sa mga eskwelahan para tingnan ang compliance ng mga ito sa health protocols.

“Pakiusap namin na i- comply nila at ako mismo ng aking team ay mag iikot para titingnan din yung mga bawat school kung talagang kumpleto na sa mga requiremnsts na- comply na ba nila,” ani Francisco.

Read More:  Negrense youth defies challenges, finishes among PMA’s finest

Ayon kay Schools Division Superintendent Nympha Guemo aabot sa 87, 943 mga estudyante mula Kinder hanggang Senior High School ang lalahok sa pagsisimula ng expanded limited face to face classes sa lalawigan.