CAMARINES NORTE – Pinakamababa ang COVID- 19 vaccination coverage sa bayan ng Paracale sa lalawigan ng Camarines Norte.
Batay sa datos ng Provincial Covid- 19 Vaccination Operation Center nasa 55. 1 % pa lang ng 52, 018 na target population ang nababakunahan hanggang noong June 2, 2022.
Mababa pa ang vaccination coverage sa senior citizen na nasa 2, 880 pa lang sa target na 5, 574 o 51. 7 %.
Sa age group naman na 18- 59 ay nasa 20, 426 ang nababakunahan sa target na 33, 482 o 61. 0%.
Para naman sa pediatric population edad 12- 17 nasa 5, 282 ang nababakunahan mula sa target na 7, 951 o 66. 4 %.
Habang sa edad 5- 11 naman ay nasa 81 ang nababakunahan mula sa target na 9, 900 o 0. 8 %.
Patuloy naman ang paghimok ng mga kinauukulan s amga hindi pa nagpapabakuna na magpabakuna na kontra COVID- 19 para na rin sa kinakailangang proteksyon lalo na ngaong iba’t- ibang variant na ang lumalabas.
