CAMARINES NORTE- Arestado ang ika-10 sa Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Vinzons ang naaresto ng mga tauhan ng Vinzons MPS sa Purok 3, Brgy. Calangcawan Sur, ng nabanggit na bayan
Ang akusado ay kinilalang si alyas “Nono”, 23 anyos, isang construction worker at residente ng Purok 2, Mangcawayan, Calangcawan Sur, Basud, Camarines Norte.
Inaresto ang nasabing personahe sa bisa ng Warrant of Arrest na may petsang Mayo 24, 2022 na ipinalabas ni Hon. Rene Morallo De La Cruz ng RTC Branch 5, Daet, Camarines Norte para sa paglabag sa Sec 5 ng RA 9262
Umaabot sa Php72,000.00 bawat isang kaso ang inirekomendang pyansa ng korte para pansamantalang kalayaan nito
Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga na ng Vinzons MPS ang nasabing akusado upang kaharapin ang kasong isinampa laban sa kanya.
