Walang nahanap na ebidensya ang Research Institute on Tropical Medicine na nagpapatunay na contaminated ang RT-PCR tests na isinagawa ng Philippine Red Cross (PRC).
Makikita ito sa isang sulat para kay Dr. Michael John Talamayan, na head ng Red Cross RT-PCR Laboratory sa Subic.

Sinabi ni DOH Assistant Secretary Nestor Santiago sa sulat na walang ebidensya ng kontaminasyon ang nahanap sa 48 samples na nasuri sa Subic.
Matatandaan na binatikos mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang RT-PCR tests ng PRC dahil sa mga false-postive umano na resulta na inilalabas nito.