Nagpasalamat ang Philippine Red Cross sa tinawag nitong “unbiased investigation” ng Research Institute on Tropical Medicine kaugnay sa COVID-19 RT-PCR tests ng kanilang organisasyon.
Ito ay matapos sabihin ng RITM na “valid” at “reliable” ang resulta ng RT-PCR tests ng PRC.
Giit ng organisasyon, naging biktima lamang ito ng mga alegasyon na walang basehan.

Naniniwala ang PRC na dahil ito sa malakas na ebidensya laban sa ilang partido na sangkot sa mahigit P8.7-billion na kontrata ng overpriced medical supplies na iginawad sa isang kompanya na undercapitalized.
Mababatid na pinangungunahan ni Senator Richard Gordon, na nagsisilbi rin bilang chairman ng PRC, ang imbestigasyon ng Senado sa biniling overpriced COVID-19 supplies ng gobyerno.