CoronaVac mula sa DOH dumating na sa Bataan

Dumating na sa lalawigan ang Bataan ang CoronaVac mula sa Department of Health o DOH.

Mayroong 12,720 doses na tinanggap ang Provincial Health Office habang ang bukod na 2,200 doses ay para naman sa bayan ng Dinalupihan, 1,400 doses sa bayan ng Hermosa, 2,600 doses sa bayan ng Mariveles, 1,400 sa bayan ng Orani, at 1,400 doses sa bayan ng Limay.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Kaugnay nito, bukas naman ang Bataan People’s Center, Vista Mall at PENELCO-Red Cross Bakuna Center para sa mga nais magpaturok ng first dose na walk pero kinakailangang hintayin muna ang magiging anunsyo ng IATF para sa itatakdang schedule bago pumunta sa vaccination site.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Pinapaalalahanan naman ang lahat na sundin pa rin ang mga protocol para tuluyan nang bumaba ang kaso ng corona virus disease.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of text that says 'MAXAN Mangosteen MAXAN Xanthone angoste MAXAN AGARICUS MUSCHROOM THAT COULD HELP BOOST IMMUNITY Lazada'