COVID-19 sa North Korea kontrolado na

Inihayag ng North Korea na kontrolado na ang COVID-19 surge sa kanilang bansa.

Naiulat ng state media ang pagbagsak ng mga caseload para sa ikapitong sunod na araw habang ang mga healthcare worker ay “nagpapaigting” sa pagsusuri at paggamot.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Ngunit kinukuwestiyon ng mga eksperto ang mga opisyal na numero na ibinigay ng isolated country na may isa sa pinakamasamang sistema ng pangangalagang pangkalusugan sa mundo.

Inanunsyo ng Korean Central News Agency (KCNA) ang mga unang kaso ng coronavirus noong Mayo 12 at nag-activate ng “maximum emergency epidemic prevention system,” kung saan inilagay ni Kim Jong Un ang kanyang sarili sa harap at sentro ng tugon ng gobyerno.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Sinisi ni Kim ang mga tamad na opisyal kaya nagkaroon ng mabagal reaksyon sa surge dahilan kaya nagdeploy ito ng hukbong militar sa mga mga parmasya sa Pyongyang.