Nilinaw ni Executive Secretary-designate Atty. Vic Rodriguez walang tinatalakay na dagdag-buwis sa papasok na Marcos Administration.
Ayon kay Rodriguez, ang nais ni President-elect Ferdinand Bongbong Marcos Jr., ay pag-aralan ang posibleng tax relief para sa maliliit na negosyo na apektado ng COVID-19 pandemic.
Ginawa ng kampo ni Marcos ang pahayag matapos imungkahi ng Department of Finance ang dagdag buwis para makalikom ng karagdadagang pondo pambayad sa lumulubong utang ng bansa.
Binigyan-diin ni Rodriguez na ‘highly speculation’ pa lamang usapin sa dagdag buwis at hindi umano sila sumasagot sa mga espekulasyon.
Una nang sinabi ng Department of Finance na kailangan ng susunod na administrasyon na makalikom ng P249 bilyon na karagdagang kita sa susunod na 10 taon upang mabayaran ang makasaysayang P3.2 trilyon utang ng Pilipinas bunsod ng COVID-19 pandemic.
