Alyssa Valdez kinumpirma ang break-up kay Kiefer Ravena

Binasag na ng kampo ni VOLLEYBALL star Alyssa Valdez ang katahimikan kaugnay sa isyu ng hiwalayan nila ng kanyang longtime boyfriend na si basketball player Kiefer Ravena.

Sa inilabas na statement management agency ni Valdez na , VMG Asia, kinumpirma nito ang break-up ng dalawa subalit nilinaw nitong walang third-party.

Umapela din ito sa publiko na iwasan ang mga espekulasyon at huwag magpakalat ng fake news.

Umaasa umano silang irerespeto nito ang desisyon ni Alyssa na panatilihing pribado ang naturang usapin.

Napansin naman ng mga netizen ang pagpapalit ng profile picture ni Keifer kung saan makikita ngayon ang larawan nila ng kanyang kapatid na si Thirdy na dati ay picture nila ni Alyssa ang nakapost.

Sina Valdez and Ravena ay parehong star athletes ng Ateneo de Manila University at kinumpirmang nagkakamabutihan noong 2016.