Tuguegarao city, nasa ‘moderate risk classification’ dahil sa pagtaas ng covid-19 cases

Iniulat ng Department of Health Region 2 na nasa moderate risk classification ang Tuguegarao City matapos makitaan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Dra. Angelica Taloma, ang Collaborating Center for Disease Prevention and Control ng DOH Region 2, tumaas ang mga naitatalang kaso sa naturang lunsod kung ikukumpara sa nagdaang tatlo hanggang apat na linggo.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Base aniya sa mga nakukuhang report ay nakitaan ng pagtaas sa two-week growth rate at Average Daily Attack Rate (ADAR) ang Tuguegarao City dahilan kaya naikategorya rin ito sa Alert Level 3.

Nilinaw naman niya na ibig sabihin lamang ng kanilang report ay dapat huwag maging kampante, kailangang dagdagan pa ang testing, hanapin ang mga kaso, agarang contact tracing at kung may nararanasang sintomas ay dapat na ma-isolate at ma-test upang maiwasan ang posible pang pagkalat ng virus.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Binigyang-diin din ni Dra. Taloma na ang pagsasailalim ng Alert level 3 bilang quarantine status ng isang lugar ay ginagawa ng National IATF sa pamamagitan ng Provincial IATF.

Samantala, nasa Alert Level 2 Classification naman ang buong lambak ng Cagayan.