CAMARINES NORTE – Nakasabit ngayon sa mismong harapan ng Pamilihang bayan ng Talisay ang COVID-19 monitoring chart upang paalalahanan ang publiko at mabigyan ng tamang impormasyon sa tunay na bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa naturang bayan
Base sa ibinigay na impormasyon ni Talisay Public Market Admin Edna Ines, nakasaad dito ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 na naitatala gayundin ang mga emergency hotlines ng MDRRMO , DOH, BFP at PNP gayundin ang mga dapat na sunding minimum health protocols
Base sa nakapaskil na COVID- 19 monitoring chart, as of August 31, 2021 ang bayan ng Talisay ay nakapagtala na kabuuang bilang na 85, 20 rito ang aktibong kaso , 63 na ang mga nakarekober at tuluyang gumaling sa sakit habang 4 ang nawalan ng buhay dahil sa COVID-19
Ayon pa kay Ines, ito rin ay magsisilbing paalala na kailangang seryosohin ang pagdidisiplina sa sarili upang hindi mahawahan ng virus
Magiging daan rin ito upang regular na maupdate ang mga residente sa aktuwal na bilang ng mga naitatalang kaso ng Covid-19 sa naturang bayan
