“Aswang” sa Naga City, arestado sa drug buybust operation

NAGA CITY- Arestado sa drug buy bust operation ng pinagsanib na pwersa ng mga unit ng PNP Naga ang aswang ng Barangay San Felipe, Naga City.

Kinilala ang suspek na si Ernesto Galicia y Villaraza alyas “Erning Aswang”, 56-anyos, walang trabaho at residente sa Barangay.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Sa isinagawang operasyon sa parehong lugar , nakabili ang posteng buyer ng isang pakete ng pinaghihinalaang “shabu” na nagkakahalaga na limang daang piso (P 500.00) at nakuhaan pa ang suspek ng tatlong (3) pakete ng parehong item na nagkakahalagang tatlong libong piso (P 3000.00)

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Ang suspek na animoy hindi nakalipad ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Police Station 3. Siya ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.