Covid-19 health protocols mananatiling mahigpit sa Camalig, Albay

LEGAZPI-Nilinaw ng lokal na gobyerno ng bayan ng Camalig, Albay na mananatili pa rin ang pag-implementa ng ilang health protocols at polisiya sa kanilang bayan sa kabila ng pagbaba sa alert level system 2 ng buong lalawigan.

Ayon sa LGU, mananatili pa rin na epektibo ang liquor ban sa mga barangay na may mga aktibong kaso ng Covid-19 sa bisa pa rin ng Executive Order 44.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Ang Curfew Hours ang epektibo pa rin simula alas dyes ng gabi hanggang alas 3 ng umaga.

Dagdag pa nito, ang pagsasara naman ng Camalig Public Market ay tuwing alas 9 ng gabi.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Samantalang lahat naman nang mga uuwi o papasok sa nasabing bayan, ang inaabisuhang laging magdala at magpresenta ng vaccination card bilang patunay na bakunado na kontra sa nakakahawang sakit.

Obligado rin ang mga ito na  magpunta sa Camalig Training Center (CTC) screening/holding area para isailalim sa profiling, health assessment, at iba pang protocols.