Bicol handa nang tumanggap ng local tourist- DOT Bicol

Legazpi City- Inihayag ng Department of Tourism (DOT) Bicol na handa ng tumanggap ng mga lokal na turista ang rehiyon.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay DOT Bicol Regional Director Herbie Aguas, may order na aniya sa kanila na kailangan nang magbukas ang iba’t ibang lalawigan at tumanggap ng mga lokal na turista.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Dagdag pa niya, nauna nang magbukas ang lalawigan ng sorsogon para sa mga tourism activities gaya ng whale watching at ngayong darating naman na Marso magsisimula na rin ang ang pagbubukas ng bulusan Lake.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Sa kabilang banda hanggad ng ahensya na tuloy-tuloy na ang pagbaba ng kaso ng Covid-19 sa rehiyon upang makagalaw at ma-entertain ang mga bisita galing sa iba’t ibang lugar.