Top 8 most wanted, huli sa Calatagan, Batangas

CALATAGAN – Arestado ang itinuturing na Top 8 most wanted person ng Balayan, Batangas sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. Lucsuhin, Calatagan, Batangas.

Kinilala ang suspek na si Wilfredo Balbago y Maningat, alyas ‘Bulate’, 62-anyos, tubong Brgy. District 10, Balayan, Batangas at kasalukuyang residente ng Brgy. Lucsuhin, Calatagan.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Ayon sa pamunuan ni PMaj Ronnie Aurellano, hepe ng Calatagan MPS, naaresto ang suspek sa ikinasang joint operation ng kanilang puwersa at mga tauhan ng Balayan Municipal Police Station.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Ang suspek ay nahaharap sa kasong Attempted Homicide na isinampa sa kanya noong 2019.

Nakakulong na ngayon ang nahuling suspek.