BICOL—Pumalo na sa kabuuang 18,088 ang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos madagdagan ng 135 na bagong kaso. Sa kabila nito ay mas mataas na recoveries naman ang naitala kumpara sa mga bagong kasong nadagdag.
Umabot kasi sa 152 ang mga bagong gumaling kung saan 50 nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, 33 sa Camarines Norte, 29 sa Sorsogon at tig-20 ang Albay at Camarines Sur. Bunsod nito ay pumalo na sa 11,123 ang total recoveries sa COVID-19 sa Bicol region.
Samantala, 135 na mga bagong kaso naman ang nadagdag kung saan 45 nito ay mula sa lalawigan ng Camarines Sur. 16 ang naitala sa Naga City, anim sa bayan ng Nabua, tatlo sa bayan ng Goa, tigdadalawa ang mga bayan ng Balatan, Cabusao, Calabanga, Ocampo at Sipocot habang tig-iisang kaso naman ang naitala sa mga bayan ng Baao, Bula, Camaligan, Canaman, Caramoan, Lupi, Miloar, Plamplona, San Fernando at Siruma.
Ang Albay ay nagtala ng 33 bagong kaso kung saan 11 nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, anim sa bayan ng Daraga, apat sa lungsod ng Tabaco, tigtatlo ang bayan ng Sto. Domingo at Tiwi, dalawa sa bayan ng Malilipot at tig-iisa ang mga bayan ng Guinobatan, Libon, Polangui at lungsod ng Ligao.
26 na bagong kaso ang nadagdag sa lalawigan ng Camarines Norte kung saan 17 nito ay mula sa bayan ng Daet, apat sa bayan ng Labo, tigdalawa sa bayan ng Talisay at Vinzons at isa sa bayan ng Capalonga.
20 bagong kaso ang naitala sa lalawigan ng Sorsogon kung saan walo nito ay mula sa Sorsogon City, apat sa bayan ng Irosin, tigdadalawa ang mga bayan ng Bulusan, Gubat at Prieto Diaz at tig-isa ang bayan ng Barcelona at Donsol.
Anim na bagong kaso ang nadagdag sa Catanduanes kung saan tatlo nito ay mula sa bayan ng Virac habang tig-iisa naman ang mga bayan ng Caramoran, Bagamanoc at Pandan.
Limang bagong kaso naman ang nadagdag sa Masbate kung saan tatlo nito ay mula sa Masbate City at tig-isa ang mga bayan ng Dimasalang at San Jacinto.
Tatlong pagkasawi ang naitala kung saan dalawa nito ay mula sa lalawigan ng Albay at isa sa lalawigan ng Sorsogon kung kaya pumalo na sa 573 ang death toll ng coronavirus sa Bicol.
Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.
𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.### || SLM

