ESA, CFW matatanggap na ng mahigit 28k ST Rolly victims sa Albay

BICOL—Matatanggap nan g nasa 28, 858 na mga biktima ng Super Typhoon Rolly sa probinsya ng Albay ang kanilang Emergency Shelter Assistance (ESA) at Cash-for-Work (CFW) mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD)

Ayon kay DSWD Bicol information officer Marygizelle Mesa, nasa 13,814 na mga benepisyaryo sa Albay ang bibigyan ng ESA habang 15,044 naman ang makakatanggap ng CFW assistance.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Bawat ESA beneficiary ay makakatanggap ng tig P10,000.00 habang P3,100.00 naman sa mga CFW beneficiaries.

Ayon sa DSWD, ibinase sa regional daily wage rate na P310.00/day ang cash assistance para sa cash for work na kinuwenta sa sampong araw na itrinabaho ng mga ito.

Sa ngayon, nasa kabuuang P 9,820,000.00 na pondo na sa ilalim ng ESA ang nadisburse o 7.11% accomplishment rate habang P3,044,200.00 o 6.53% accomplishment sa ilalom ng CFW ang naipamahagi sa nasa 982 na mga benepisyaryo sa Albay.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Ang ESA at CFW ay bahagi ng recovery programs ng DSWD na layuning mabigyan ng asistensya ang mga disaster survivors upang matulungan silang makabangon sa naging impact ng kalamidad. ### || SLM