COVID-19 cases sa Bicol pumalo na sa 12, 508; mataas na recoveries naitala ngayong araw

BNFM BICOL—Pumalo na sa 12, 508 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos makapagtala ng 169 na bagong kaso ngayong araw.

Pinakamaraming kaso ang nadagdag sa Albay na nasa 79 kung saan 31 nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, 18 sa bayan ng Daraga, tigwalo ang lungsod ng Tabaco at bayan ng Tiwi, lima sa bayan ng Camalig, tatlo sa lungsod ng Ligao, dalawa sa bayan ng Manito at tig-iisa ang mga bayan ng Bacacay, Guinobatan, Oas at PioDuran.

Ang Camarines Sur ay nagtala ng 41 bagong kaso kung saan 11 nito ay mula sa lungsod ng Naga; tig-aapat ang mga bayan ng Baao, Bula at lungsod ng Iriga; tatlo sa bayan ng Pili at Sipocot; tigdadalawa ang mga bayan ng Calabanga, Goa, Libmanan at Tigaon at tig-iisa ang mga bayan ng Bato, Canaman, Minalabac at Ocampo.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Ang lalawigan ng Sorsogon ay nagtala ng 37 bagong kaso kung saan 24 nito ay mula sa lungsod ng Sorsogon, lima sa bayan ng Juban, tatlo sa bayan ng Castilla, tigdalawa ang bayan ng Bulan at Casiguran at isa sa bayan ng Gubat.

Sampong kaso naman ang nadagdag sa lalawigan ng Catanduanes kung saan apat nito ay mula sa bayan ng Virac at tigdadalawa ang mga bayan ng Baras, Bato at Caramoran.

Tig-isang kaso naman ang lalawigan ng Camarines Norte na mula sa bayan ng Daet at ang lalawigan ng Masbate na mula sa bayan ng San Jacinto.

Samantala, 211 na bagong recoveries ang nadagdag kung saan 198 nito ay mula sa Albay, siyam sa Sorsogon at apat sa lalawigan ng Catanduanes. Sa kabuuan, umabot na sa 7,886 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Bicol region.

Wala namang nadagdag sa bilang ng mga nasawi kung kaya nananatili ito sa 409.

Sa gitna nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang BIDA Solusyon sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

B-Bawal ang walang Mask; I-Isanitize ang mga kamay. Iwas-hawak sa mga bagay-bagay; D-Dumistansya ng isang metro at A-Alamin ang totoong impormasyon.###