CAMARINES NORTE- Balik operation na simula kahapon, (September 24, 2021) ang Antigen Testing Laboratory sa mga Borderline ng Tuaca at Tabugon sa Camarines Norte
ito ang kinumpirma ni Atty Don Culvera sa naging pakikipagugnayan ng Brigada News fm Daet.
Ayon kay Atty Culvera mayroong pagbabago sa mga bayarin na ipinatupad na simula kahapon
P600 kung hindi lehitimong taga- Camarines norte.
P500 sa mga trucking naresidente ng Camarines Norte.
P450 para sa mga LSI at residente ng Camarines Norte
Sa panayam kay Governor Edgardo Tallado sasagutin nito ang P150 na idiniscount para sa mga LSI at Residente
Samantala, lahat ng mga emergency patients at pasyente ng CNPH ay libre subalit sa Panlalawigang Pagamutan lamang gagawin ang antigen.
Nilinaw din ni Culvera na tatlong araw ang validity ng Antigen Test sa lalawigan
