COVID-19 cases, hindi sumipa sa 1st week ng Alert Level 1 – DOH

Walang naobserbahan ang Department of Health na anuman pagtaas sa bilang ng COVID-19 infections, isang linggo mula nang malagay ang National Capital Region (NCR) at ang 38 iba pang lugar sa Alert Level 1.

Kinumpirma ito ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa pamamagitan ng isang Viber message.

Read More:  Palace withholds judgment on VP Sara impeachment trial

Tiniyak naman ni Vergeire sa publiko na istriktong mino-monitor ng gobyerno ang mobility ng mga tao upang tiyakin na nasusunod ang minimum health protocols.

Ipinunto ni Vergeire na mula nang mag-umpisa ang Alert Level 1 ay sinimulan na rin ng employers ang 100% workforce capacity.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Dagdag ni Vergeire, marami na rin sa mga establishimyento ang pinayagang mag-operate sa kanilang full capacities.

Mababatid na magtatagal ang Alert Level 1, na pinakamababa sa ilalim ng alert level system ng gobyerno, hanggang March 15 para sa NCR at sa 38 iba pang lugar.