Kailangan na ng information technology-business process management companies na i-require ang kanilang buong workforce na magbalik opisina sa April 1.
Ito ay matapos tanggihan ng Fiscal Incentives Review Board (FIRB) ang requests na palawigin ang remote-work arrangements.
Sa isang pahayag nitong Miyerkules, ay ipinunto ng Department of Finance na na base sa Resolution No, 19-21 ng inter-agency FIRB ay pinahihintulutan ang IT-BPM firms sa economic zones na mag-implementa ng work-from-home (WFH) arrangements para sa 90% ng workforce nito na hanggang March 31, 2022 lamang.
Meron ilang grupo ang humiling na mapalawig ang work-from-home arrangement para sa IT-BPM sector nang lampas sa March 2022.
Pero iginiit ng DOF na napagkasunduan ng Cabinet-level inter-agency board sa February 21 meeting nito na tanggihan ang naturang request..
Ipinaliwanag ni Finance Secretary at FIRB chairman Carlos Dominguez III na ang WFH arrangement ay isang time-bound temporary measure na inadobt sa panahon ng surge ng COVID-19 cases.
Ipinunto niya na dahil tumataas na ang vaccination rate ng mga Pilipino sa buong bansa, ay maari nang ipatupad ang mga ligtas na measures para sa physical reporting ng mga empleyado, kabilang na ang mga nagtatrabaho sa IT-BPM firms na nag-o-operate sa ecozones at freeports.
