Target ng gobyerno na makalikom ng P250 sa huling buong buwan ng Duterte Administration.
Ayon sa Bureau of the Treasury (BTr) kukunin nila ang P250 bilyon sa pamamagitan ng pag-alok ng government securities sa mga lokal na pinagkakautangan para palakasin ang kaban ng estado.

Sa isang memorandum na may petsang Mayo 25, inilabas ng BTr ang iskedyul ng mga short-dated Treasury Bills at long-tenor Treasury Bonds para sa buwan ng Hunyo.
Kabilang sa mga plano ng BTr ay humiram sa mga local creditors na nagpapautang ng P75 bilyon sa Treasury Bills at P175 bilyon sa Treasury Bonds.
Samantala, ang P35 bilyong halaga ng tatlong taong Treasury Bonds ay ilalabas sa Hunyo 2, habang ang petsa ng auction ay nakatakda sa Mayo 31.
Isa pang P35 bilyong halaga ng Treasury Bonds ang nakatakdang ilabas sa Hunyo 9 na may limang taong tenor o maturity period.