Mahigit 3,600, magtatapos sa Senior at Junior High School sa Camarines Sur National High School

NAGA CITY-  Isa-isa nang aakyat sa entablado para sa kani-kanilang end of school year rites ang mahigit 3,600 na mga mag-aaral sa Junior at Senior High School/sa Camarines Sur National High School bukas Mayo 30 at Mayo 31.

Mayo 30 , 1,888 na mga Junior High School ang mag-momoving up ceremony sa Liboton Annex habang sa Mayo 31, 1,716 naman ang ga-graduate sa Senior High School. Ang bilang na ito ay hindi naman nalalayo sa mga nagtapos sa academic year 2022-2023 ayon kay Princi pal Dr. Sulpicio Alferez III kaya sisimulan ng alas-sinco ng hapon uopang hindi na gaano mainit ang panahon at target na matapos sa loob ng tatlong oras.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Sinabi pa ng Punong Guro sa  Brigada News FM Naga na naging malaking hamon para sa kanila at mga mag-aaral ang adjustment o ang napaikling academic year base sa Department Order 003 sa halip na Hunyo, ngayong Mayo na ang pagtatapos ng academic calendar 2023-2024.  Tinapos na rin ang mga gawain ng mga guro dahil nakasaad pa sa order ng DepEd na sa Hunyo dapat naka bakasyon sila at bawal pumunta sa mga paaralan  kung hindi naman higit na kailangan.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan