Contempt order ng Senado, pinapa-nullify ng Pharmally official sa SC

Sumangguni na ang Pharmally executive na si Linconn Ong sa Korte Suprema upang hilingin na ma-void ang contempt order ng Senado na dahilan ng kaniyang pagkakakulong ngayon.

Sa 50-pahinang petisyon ni Ong ay hiniling ng mga abogado nito mula sa kataas-taasang hukuman na i-nullify ang contempt order na inisyu ng Senate Blue Ribbon Committee noong September 10, 2021.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Inutos ng Senado na i-cite in contempt si Ong dahil sa mga mali at palaiwas umano nitong mga sagot sa probe kaugnay sa umano’y overpriced COVID-19 supplies na binili ng gobyerno mula sa Pharmally.

Read More:  Two suspects arrested in killing of political vlogger Mima Alicia

Sinabi ni Ong sa petisyon na walang kapangyarihan ang Senado na magditermina ng guilt o innocence o magpatupad ng kaparusahan.

Naniniwala rin si Ong na mabigat na paglabag ito sa kaniyang karapatan sa due process.