Nanindigan ang prosecutor ng International Criminal Court na may otoridad ang intergovernmental organization sa crimes against humanity na naganap umano sa Pilipinas.
Sinabi ng Briton na si ICC prosecutor Karim Khan na kinumpirma ng ICC Pre-Trial Chamber na nanatili ang hurisdiksyon nito sa drug war probe sa Pilipinas simula July 2016 o sa panahon na naupo sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Iginiit ni Khan na sakop nito ang mga pangyayari sa bansa hanggang March 16, 2019 na petsa na naging epektibo ang pagkalas ng Pilipinas mula sa Rome Statute
Kamakailan ay inaprubahan ng Pre-Trial Chamber ang request ng ICC Prosecutor na imbestigahan ang madugong war on drugs at pagpatay sa Pilipinas kabilang na sa Davao City.
Iimbestigahan rin ng ICC ang mga pagpatay sa Davao City simula November 1, 2011 hanggang June 30, 2016 kung saan ay nagsilbi noon si Duterte bilang alkalde at bise alkalde ng nasabing lungsod.