Contact tracing sa 5 Covid-19 positive sa Libon, Albay naisagawa na

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Local Government Unit (LGU) Libon, Albay na mayroong limang panibagong kaso ng tinamaan ng corona virus disease (covid) 19 sa kanilang dalawang barangay.

Ayon sa LGU, naisagawa na ang contact tracing sa mga nakasalamuha nito.

Ang mga natukoy na close contacts ay pinayuhan ng mag-self quarantine at isasailalim na s RT-PCR test sa lalong madaling panahon.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Base sa record ng DOH Bicol, ang limang bagong nagpositibo ay si Bicol Patient No. 23576 na taga Zone 7, Bicol 25489, Bicol 25490, Bicol 25491 at Bicol Patient No 25492 lahat ay residente ng Barangay San Jose nasabing bayan.

Pinapalalahanan ng Local na Pamahalaan, ang mamamayan ng Libon na huwag na munang lalabas ng kanilang bahay kung hindi naman kinakailangan.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Ugaliing rin ang pagsusuot ng face mask, face shield, mag-obserba ng physical distancing, ugaliin ang paghuhugas ng kamay at gumamit ng alcohol o hand sanitizer.

Nakapagtala rin kahapon ng isang recoveries sa bayan na si Bicol Patient no 23576 taga Zone 7.

Sa kabuuhan, ang Bayan ng Libon ay mayroong ng 131 kaso ng covid 19, walong aktibong kaso, 117 recoveries, at anim (6) ang namatay sa nasabing virus.